banner Joebreaker is the blog of a 20-yr old Pinoy student whose major failure is trying to balance his acad life with his social life. He's been learning shear forces and hydraulic equations while spending time with his buddies over bottles of beer or just killing each other off in a friendly game of DotA/Warcraft III - which explains why his allowance is usually gone by the middle of the week. More...
Jul
13th

Pagkalipas ng ilang paalaala

Author: admin | Files under Uncategorized, Videos

Tanong: Gaano ba kadalas uminom si Charlene Gonzales ng My Marvel Taheebo?

Sumasakit talaga ang ulo ko pag naririnig ko yung, “lagi kong iniinom ito… everytime.” Lagi na nga niyang iniinom, everytime pa. “Ginagawa ko na ngang tubig.” Parang hindi na yata tama.

Speaking of hindi tama, ito yung ilang mga commercials na punong puno ng fail dahil sa false advertising o dahil nakakaasar lang talaga makita sa tv.

Si Boy Abunda nagpapadala ng corned beef sa abroad? Seryoso? Kasi Argentina yung corned beef??

JJAMPPONG! Wala talagang sense. Lipat channel agad.

Akala ko hindi ko na mapapanood yung retarded na Mekeni Picnic Hotdog na commercial pero nakita ko pa rin siya minsan!

Walang aw sa Pau! Talagang dapat sexy dancers ang nagaadvertise para sa gamot sa rayuma. Basta lahat ng commercials nung dancers na may jingle. Example, Waw paksiw - badtrip yun, ang haba pa.

Makulay ang buhay sa gulay na tadtad sa MSG!

Ang pamilya ko ay alam kong hirap na hirap na sa tatlong linggong mahigit na pagbubuhat sa akin. Nang mapanuod ko po sa tv ang arthro at pag inom ko po nun…. Ang lakas ko! (Naglalakad pabaligtad ftw) Di ko alam kung maaasar ako o matatawa sa commercials ng arthro.

Axe commercials. Parang animals lang ang mga babae. Humahabol sa amoy, parang aso. At least yun yung pinapahiwatig ng commercials.

And lastly, SMARTBRO COMMERCIALS / kahit anong publicity ng SmartBro. Pambansang Broadband? Bakit ang bagal ng net ko? Bakit DC ako lagi?

Madami pang panis na patalastas pero so far ito talaga yung mga tumatak sa utak ko (esp yung ang pamilya ko ay alam kong hirap na hirap na). Pero kung madaming panis na commercials, madami din namang panis na programa sa tv ngayon. Abangan pagkalipas ang ilang paalaala. Corny.

3 responses. Wanna say something?

  1. Chase Mclovin
    Jul 13, 2008 at 21:50:09
    #1

    idagdag mo pa diyan iyong, “OO! NagcaCasino ako!” ni Kris Aquino.

  2. rimewire
    Aug 6, 2008 at 19:36:48
    #2

    hakhak

    saws

    may punto ka naman

    hakhak

    elyens

    XXXxx

  3. Christian
    Aug 9, 2008 at 16:05:46
    #3

    LOLZ. This one is really hilarious!

    Yung mga alam kong fail na patalastas matanda na… like

    Ikiskis mo sa pilapil. Uy!

    (Tissue Paper)

    and

    Day by day by day by day… (sabay giling)

    (Laundry Soap)

Post a Comment